Ang lahat ng ito ay tatalakayin natin sa bawat kasama bilang bahagi ng reoryentasyon.
Hindi kami naniniwala na sa isang iglap ay magbago na tayo ngunit isa ito sa mapagpasyang
hakbang upang manumbalik ang sigla ng bagong aktibismo.
     Madaling sabihin kung ano ang mali pero
mahirap hanapin kung ano ang tama.
Ito ang mga katagang magpapaliwanag sa atin kung bakit nasa sitwasyon tayo ngayon
ng istagnasyon. Ito rin ang mga katagang magbibigay hustisya kung bakit ganito ang
tema natin ngayon, ang BALIK-ARAL, BALIK-SIGLA.
     Hindi tayo nagkamali sa pagbasura sa oryentasyon
ng lumang aktibismo at palitan ito ng bago at napapanahong oryentasyon upang muling
buhayin ang kilusan ng kabataang estudyante. Hindi rin tayo nagkamali na ibaon sa
limot ang mga maling istilo at sistema ng lumang aktibismo na siyang nagiging
dahilan ng "alienation" natin sa malawak na masang estudyante. At higit sa lahat, tama
lang ang ating mga kritisismo sa mga teoryang gumagabay sa lumang kilusan ng
kabataang-estudyante.
     
Pero hindi lahat ng luma ay mali! Hindi porke sinabi nating mali sa ngayon ang
mamundok ay hindi na tayo makikisalamuha sa batayang masa. Hindi porke mali ang
ideolohiya ni Mao Tse Tung ay hindi na tayo mag-aaral ng iba pang ideyolohiya tulad
nila Marx, Lenin at Engels. Ang sabi natin ay iwasan ang mga pagkilos na mapapasama
ang imahe ng aktibismo pero hindi natin sinabi kahit kailanman na huwag tayong maging
militante. Hindi porke natatakot ang maraming bilang ng estudyante sa mga radikal ay
ikukubli na natin ang ating mga radikal na panawagan. Hindi porke sinabi natin na tapos
na ang papel ng kilusang estudyante bilang propagandista ay hindi na tayo magpo-propaganda
sa mga pang araw-araw na isyung lokal at nasyunal. Mali ang blind obedience pero hindi natin
sinabing wala na tayong disiplinang susundin. Ang mali ay ang magsakripisyo sa maling paniniwala
at prinsipyo pero hindi natin sinabing wala na tayong konsepto ng sakripisyo. Ang sinasabi natin ay
hindi magtatagumpay ang ating ipinaglalaban sa simpleng sipag at tiyaga sa pagkilos pero hindi
natin sinabing hintayin na lang natin ang sitwasyon at magpapetiks-petiks na lang tayo. Hindi porke
mali ang banggardismo ay hindi na natin pamumunuan ang pakikibaka ng estudyante't sambayanan.
     
Isa ito sa magpapaliwanag kung bakit ang lumang aktibismo sa ngayon ay nananatiling nakatindig at
unti-unti ang kanilang paglakas. Dapat nating kilalanin na sila sa ngayon ang nangungunang pwersang
pampulitika sa kabataang estudyante. Bakit? Hindi dahil sa sila ang tama at tayo ang mali tulad ng
ipinangangalandakan ng kabilang grupo. Masyadong simplistiko ang ganitong pangangatwiran. Dahil
kung totoong sila ang tama ay umaagos na sana ang kilusang estudyante sa ngayon sa lawak ng
impluwensiyang inabot nila matapos ang EDSA 2. Kung tama ang kanilang linya ay nahikayat na sana
nila ang libu-libong mag-aaral nitong pasukan na mag-boykot ng klase laban sa TFI. Kung wasto ang
kanilang mga pamamaraan ay na-sustain sana nila ang ROTC struggle sa kasalukuyan at nakapagparali
ng libu-libo sa kongreso nitong nakaraang SONA. Pero hindi ito nangyari at ang lahat ay ningas-kugon
lamang dahil nga sa luma nilang oryentasyon at maling linya't taktika at paulit-ulit na mabibigo ang grupong
ito hangga't hindi sila magwawasto sa kanilanga kamalian.
     
Ngayon balikan natin ang usapin na anong meron ang grupong ito kung bakit sa kabila na kanilang mga
kamalian ay tindig labuyo pa rin? Ito ay dahil may mga wasto sa luma at nakagawian na. Bagama't trahedya
ang naganap na kasaysayan ay maling sabihin na wala na tayong mapupulot na positibong aral mula dito.
Ang determinasyon, sigasig, dedikasyon, sakripisyo, disiplina, sipag, tiyaga, liksi, lalim, simpleng pamumuhay
at komitment ay ilan lamang sa mga luma na magpasahanggang ngayon ay taglay ng kanilang mga aktibista.
Mali man sila sa maraming bagay ngunit hanggat naririyan ang mga lumang katangian na nabanggit sa itaas ay
mananatiling nakatindig ang lumang kilusang ito.
     
Dito sa aspetong ito tayo tinatalo ng RA. Hindi man tayo talo sa tamang linya at prinsipyo, hindi man tayo talo
sa tamang linya at prinsipyo, hindi man tayo talo sa mga panawagan at islogan, sa talas ng pagsusuri, talim ng
ating linya at marka ng mga pagkilos pero hanggat hindi natin nasasapul ang tamang kumbinasyon ng luma at
bago ay mabibigo at mabibigo tayo. Tama man tayo sa maraming bagay ngunit mali naman tayo sa aktitud ay
wala rin tayong patutunguhan. Tandaan natin na anumang "social theory" gaano man ito kawasto hanggat hindi
niyayakap ng malawak na bilang ng masa ay hindi pa pupwedeng tawagin at itanghal na "social science".
Ganito ang nangyari sa ating panawagan na
RESIGN ALL
na tama pero bigo samantalang ERAP RESIGN ay
mali pero nagtagumpay. Sa biglang tingin ay "absurd" ang pormulasyong ito pero ang dapat makita natin ay tinalo
ng huli ang una na maipaabot ng malinaw sa masa ang mensahe. Tinalo sa halos lahat ng porma ng pagpapaliwanag
sa masa at isa na dito ay ang sinasabi natin kanina pa. Ang mga lumang tradisyon ng pagkilos na magpasahanggang
ngayon ay isa sa susing kawing sa ikakatagumpay ng anumang plano.
ANG
TAMANG
AKTITUD
SA
PAGKILOS.
     
Kaya't kung gusto nating lumakas, kung gusto nating sumigla, kung nais nating magtagumpay, balik aralan natin ang
nakaraan at humalaw ng positibong aral mula dito na siyang magsisilbing gabay at inspirasyon sa ating pagkilos.
Marami na tayong naisip na mga bagong porma at konsepto sa aktibismo, ang kulang na lang ay pagsanibin ito kasama
ng ilang mga positibong aral mula dito na siyang magsisilbing gabay at inspirasyon sa ating pagkilos. Marami na tayong
naisip na mga bagong porma at konsepto sa aktibismo, ang kulang na lang ay pagsanibin ito kasama ng ilang mga
positibong aral ng lumang aktibismo. Mga kasama!
BALIK-ARAL,
BALIK-SIGLA!
Ano ba ang dapat pagbalik-aralan?
     
Kailangan ding magkaroon ng organisasyunal na hakbangin na mag-uugnay sa pagitan ng
nasyunal at lokal. Ito ay sa pamamagitan ng pagbubuo ng leadership body na involved ang local
chapters. (Talakayin ito ng detalyado)
     
Pagbubuo ng mga balangay at paglulunsad ng mga lokal na activities.
     
Kailangan din nating magkaisa kung ilan ang ilalawak natin bago matapos ang semestre.
     
At ang pagkakaroon ng ED campaign sa ARAK at Globalisasyon.