Galing naman sa gusaling tinatawag na Vitality Garden, ang mga Druidress ay bihasa sa mga mahikang Pang-Barangay-Wolf-clan lang. Kaya nilang humingi ng tulong sa lupa mismo at sa laban ay nagagawa nilang balutan ng mga vines ang kalaban para hindi ito makagalaw, isang magandang taktika habang gagamitin mo ang iba pang tauhan para umupak sa kalaban. Mahina ang halos lahat sa druidress, medyo konti ang buhay at pitik lang ang damage, pero kaya nilang manalo sa kahit sinong tauhan kapag one-on-one dahil na nga sa "entanglement" nila, munit masmaganda kung me back-up sha lagi. Walang healer ang wolf, at ang kapangyarihan ng Druidress ay gaya lamang ng sa geisha, Fan Geisha at channeler, munit epektibo sha sa laban, basta't siguraduhing long range ang atake nya para ma entangle ang kalaban at di makalapit... kung hindi makikitil ang Druidress. Nagde-deal sha ng Magic damage, gaya ni pareng Longtooth, na kahinaan ng mga Spearman, samurai, ronin, diseased one, staff adept at kapwa Sledger at Pitchslinger. Sa pamamagitan naman ng gusaling tinatawag na "Cairn"... isa pa, "Cairn"...weirdo bigkasin... ay nakakahingi sha ng kakayahan para i-Bless ang mga Taga Barangay Wolf para sa kakaibang mga kapangyarihan... gaya ng lycanthropy ng Berserker, munit hanggang tatlo lang ang kaya nyang hawakan... pero me upgrade para maging lima. Pag ka tapos nyang mag Bless ay masmakabubuting su-utan ang Druidress, o kahit sinong wolf clan na di mo balak i-bless, ng SHALE ARMOR. Malakas ang depensa ng Druidress sa Apoy... at normal na sa iba, kaya konting ingat, konti lang din naman ang tauhang nagdedeal ng fire damage...