Ang BEERserker!

Ang kombinasyon ng Brawler, Hurler at Mauler, Ang napaka Astiging, BERSERKER. Sila ang pinaka mandirigma ng Wolf clan, malakas tumama, mabilis at umuungol pa habang nagsasalita. Gamit ang mga Claw na gawa sa... basta claw sha, nagde-deal sila ng Cutting damage... gaya ng ronin at samurai, na kahinaan ng... gaya sa Brawler, pero iba tumama ang berserker, lalo na sa mga LOTUS WARLOCK, ilang segundo lang ay tataob agad ang Warlock sa sunod-sunod na nagwawalang kalmot ng berserker, na tila me kasamang galit at paghihiganti sa dati nilang sinapit. Mahaba-haba ang buhay ng berserker, at dahil WALANG HEALER ang Wolf clan, perpekto ang Berserker sa laban, dahil likas na mabilis magheal ang mga wolf (except lang ke shale lord... mabilis daw sha magheal... pro di pansin) Ang taktika ng paghe-heal ng wolf ay ang pag atras nya sa laban, siguraduhing walang kalabang nakasunod o "e-engage" sa kanya at pindutin ang letter "O" hotkey ng passive mode (ata) kung saan di lalaban ang tauhan mo kahit me kalabang malapit, at dahil nakatayo lang sha eh maghe-heal sha, habang ung ibang berserker naman ung nasasaktan. Pag me dilawan uling berserker, layo mo un, tapos hanapin mo na ung nakatambay mong berserker na malamang ay nakaregenerate na, sabak mo uli sa laban at paikot-ikot lang ang sitwasyon hanggang matapos ang laban... kapag naperpekto ang teknik ay malamang walang mamamatay na tauhan, kaya sa Barangay Wolf Clan, di sila marunong mamamatay... pero syempre minsan nagkakamali rin. Marami daw kwento ang mga berserker pagdating sa mga labanan. Sila ung tipo ng mga mandirigmang agad-agad susugod na parang isang asong lobo, walang takot at walang tigil, kahit alam nilang delikado, wala silang pake, ang pag be-berserk nila ang nakakapanalo sa laban... o minsan ang kumikitil sa kanila, munit dahil din sa kakaibang tapang na ito ay natatakot ang mga kalaban, pano mo nga naman lalabanan ang taong walang takot sa kamatayan?, mamatay man sila wala silang pake, walang mawawala... eh kung ikaw mamatay... matatangap mo bang mamatay sa kamay ng isang nagwawalang lobo? Maihahalintulad ang kanilang paguugali sa isang lasing... na may lampas sa normal na kalakasan at makita man ng mga kapwa wolf clan ang pagkamatay ng kapwa berserker ay di nila ito kinahihina o kinatatakot, lalo silang napupuno ng nagwawalang galit na syang nagsasabing katapusan na nung nakapatay sa kapwa nila berserker. Iba talaga ang tama ng Berserker. Sinasabi rin na ang pagiisip ng berserker ay 3/4 na pagkatao at 1/3 na pagkalobo (tama ba? mahina ko sa mga Fractions, makita ko lang silay napapa "haaa???" na ko) Mas at-Home sila sa kagubatan, ilalim ng buwan at mga bitwin at sa kalawakan ng maespasyong, matalahib na kasarimlan (pare lalim) ng kanilang lapain na tinatawag nilang tahanan, kung saan silay nagtatakbuhan at nangangaso... parang isang tunay na lobo, at dahil narin sa mga blessing ng druidress ay nagagawa nilang maging isang ganap na lobo, Werewolf kumbaga, munit di rin ito ganun kahulsome, dahil dito ay iniiwan na nila ang kanilang pagkatao, tila parang isang sumpa na makapaglilitas sa clan kapag nagipit... munit laro lang naman ang lahat... malakas ang depensa ng berserker sa cutting, explosive at fire damage, at medyo nadadali ng blunt, kaya sa mga lotus dyan, maraming Staff adept at diseased one ang katapat nila.