Si Pareng (idol) GREYBACK!

Ang Pinakamalupit na Mandirigma sa Battle Realms, ang pinuno ng wolf clan na si Greyback... ay tumutumba pagkatapos ng 9 LANG na rounds ng red horse! iba kasi inumin nila dun... tawag white wolf beer...iba ang tama... Pero sa labanan, solid sha pare, apat na greyback laban sa isang buong clan, panalo mga greyback, ganun kalakas, solid ang mga bayo, one-on-one kahit kenino, panalo si idol, sa mga building, isang taga, talagang bumabaon, dinig na dinig mo pa ung krisping bayo ng kanyang astiging piko, yan si idol. Sabi dun sa nabasa ko... (ingles... paalala ko lang...) "he is clearly more than a match for the proudest Serpent Lord, or for Lord Zymeth himself." SYEMPRE! eh wala namang binatbat yang baklang si Zymeth, at ang buong batalyon nya ng naghihingalong lutos clan, meron pa! "The wolves themselves know Grayback's authority, sensing in his smell and body language the undisputed leader of the pack." Galaw palang, alam na nang lahat na sha ung pinuno, super todo lakas ng arrival!, meron pa! "In battle Grayback wields an enormous pickaxe, a tool that strikes with crushing force while reminding all who see it of the reason why Grayback fights on." Ung piko nya nung pinagmimina pa sila ng mga walang yang lotus, ang sya ring kikitil sa mga mapangalipustang nilalang, Mainit ang Dugo ng Wolf sa mga Lotus, at si greyback ang nagpadama nun sa kanila. Mabalik tayo sa laro. Ang Higanteng piko ni greyback ay nagde-deal ng Peircing damage... gaya ng mga werewolf, pack wolf at karamihang ng long range na tauhan, at sa laro nga nang battle realms, karamihan ay normal lang ang depensa sa peircing, kaya lahat tatagusan ng malajareth na piko. Munit sa kanyang kalakasan ay me kahinaan din si idol, Mahina sha sa Explosive damage at Magic damage... naphobia siguro... ...si Zymeth ay nagde-deal ng magic damage kapag malapitan, at explosive kapag malayuan... at me magandang depensa sa peircing... na nangangahulugang matatalo si greyback kapag hinarap nya si zymeth... tanging laro nalang ang makakapagsabi, basta ko berserker ko umuupak ke zymeth... badtrip. Malakas naman si Greyback laban sa mga Peircing din na damage.. gaya ng nade-deal ni garrin, vetkin at utara. Me ability shang... di ko lam ung tawag, parang kahol ng lobo, tapos lahat ng kakampi eh magkakaroon ng panandaliang bonus sa damage nilang nade-deal. Awoooo!!! un lang muna, mabilis magheal si idol, i "o" mo lang at balikan ang yong base, pagtingin mo ke greyback, full health uli.