Mga Beerserkers na na-in love, Ang mga werewolf ay mga mabibilis at malulupit na mandirigma. Nagde-deal sila ng Peircing damage, na iilang tauhan lang sa battle realms ang mayroong magandang depensa, at may magandang resistensha para sa mga cutting at blunt na damage, munit silay nagliliyab kapag nadikitan ng apoy (mabalbon kasi) kaya dapat ilayo sa mga taong nagde-deal ng fire damage...gaya ng... raider, meleeng pitchslinger... at... geishang me battle gear (ung apoy). Nawawala na daw ang pagkatao ng isang berserker kapag nagwerewolf, at tila sinusunod na nya ang mga malawolf nyang instincts (naks!) nagbabago daw ang mga berserker ng tuluyan, tila nalilimot na nya ang kanyang dating buhay, miski daw ung mga magagaling na packmaster ay lumalayo sa kanila, sa dahilang di na sila ung parang kamyembro dati ng clan, kundi isang... Alpha wolf (gaya nung alpha kavu). Sa bawat pack (grupo) daw ng wolf eh lagi me pinuno, na tinatawag na alpha wolf, kung saan sa kanya sumusunod ung ibang wolf, sa wolf clan, parang si pareng greyback ung alpha wolf... pero di nila un sinusunod dahil di naman sila tunay na lobo... tsaka lasingero un... di nila alam kung san sila pupulutin kung susundin nila lagi si greyback. Pero iba na talaga ang werewolf, kaya di na sila napapasunod, dahil nasa "instinct" (naks nanaman!) na nila ung pagiging sila ung sinusunod. Sa laro, pag me wild na wolf sa mapa (meron nun... ung sa kenji jorney, me mga wild na wolf na walang kinakampihan) tapos nilapit mo ung werewolf, sasama na ung wild na wolf, libre, kaso wala naman masyadong mapang me wild na wolf... Tig dalawang wolf ang kaya nyang hawakan, kaya minsan bat ka pa magpapackmaster, kung me werewolf ka na. Me blessing naman sa kanya ung druidress na tinatawag na Wolf's... bite... wolf's bite (syempre, nga namang cockroach's bite...) na magde-deal ng dobleng damage ung werewolf (parang ibilidad ni kenji) tapos kapag dun sa atakeng un namatay ung kalaban, magiging wolf sya, kakampi mo rin... kaso unti-unti ring namamatay ung wolf (parang zombie) eh wala namang healer ang wolf... maganda na rin, at least dagdag damage, patay pa ung kalaban, kaya hintaying magpulahan ung kalaban bago gamitan ng wolf's bite. Nababawasan ng stamina ang werewolf pag nangagat. Kakaiba ang werewolf sa lahat ng tauhan ng wolf dahil... sha ata ung pinaka mabilis tumakbo... kaso parang mabilis din tumakbo si shalelord (oo pare, parang mabilis sha) tsaka ung winter of the wolf na unit, si digger, pero mabilis talaga ung werewolf, mabilis ding magheal ng stamina, perpekto para sa pagiiscout, pang pa-in at iba pa... sya ung panabak ng wolf pag nagkarera sila arah, vetkin at issyl. mabilis din tumakbo si enforcer (battle gear) tsaka si raider. Munit di lang naman sa larong battle realms me mga werewolf... sa diablo 2 meron din, at maraming iba't-ibang storya na ang nagawa tungkol sa mga werewolf... ah, very interesting... gagawan ko nex taym pahina tungkol sa mga iba't ibang kwento nila... meron pa ung tungkol dun sa werewolf... na nagiging tao kapag bilog ung buwan... kawawang lobo...