Ang Pitchslinger

Peasant pasok sa Ballistic grounds, Pasok sa Quarry, labas, Pitchslinger! ang kinatatakutan ng lahat ng mga straktura, ronin, samurai at master Warlock. Maganda ang depensa nila sa apoy at Cutting na damage, pero mahina naman sa mga magical. Nagdedeal sila ng fire damage kapag nilapitan at nagde-deal ng explosive sa malayuan. Kaya nilang paliyabin ang mga gusali at super lakas ang kanilang mga damage, talagang makikita mo ang solid na tama nito sa mga building, at di lang yan, lahat pa ng malalapit na gusali ay nadadamagean din kapag natalansikan ng pitch na inihahagis ng mga pitchslinger, kaya wag susugod ng walang kasamang kolokoy. Nagsimula daw ang trabahong pag "pi-pitch slinger" sa dati nilang minahan. Me mga walang amoy na nakakalasong gas daw dun sa mga malalalim na parte ng minahan, at napagkaalaman daw ng mga lotus na napapasabog ang mga gas na ito, kaya kumuha sila ng mga minerong hahawak sa mga pitch para pasabugin ung mga gas... para walang malason. Maraming nagbolunteer at gamit ang kanilang mga kamay na nababalutan ng tela, hinahagis nila ang mga pitch para mapasabog ang nakakalasong gas hanggang sa araw ng pagrerebelde ng mga wolf kung saan sa mga lotus na kalaban na nila hinahagis ang mga pitch. Me binibigay naman ang druidress sa mga pitchslinger na battle gear na tinatawag na "Scorched Earth" kung saan naglalagay ng Pitchmine ang Pitchslinger sa target na lugar. Nagsisilbing mata ang mga ito hanggang sumabog kapag nalapitan ng kalaban. tigdalawa lang ang nahahawakan ng bawat pitchslinger at dose lang bawat laban.