|
Click on the links to viewNow we're moving to new beginnings
But as we move we look once behind
To see what we might find out.
Grade School | Images of the elementary grounds where it all began. |
High School | Pictures of our High School building where we once ruled. |
Anecdotes | Stories we will forever keep in memory. |
Class Pictures | Past recalled. |
In Memoriam | Those who have gone ahead. |
1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Sperry Topsiders, K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pabangong Chaps, Bowling Green, Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long- sleeves.
2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.
3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin (a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles and Regina's in Shoppesville.
4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.
5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm at Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe na Bunchums pa nga nung una, Angelino's and East St. Louis, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club. Halfway Inn at Tia Maria sa Annapolis ang puntahan para sa inuman.
6. Wala pang videoke kundi karaoke.
7. Ang preso lang ang may tattoo.
8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie sa Sesame. Bago nyon, nanonood tayo ng Sesame Street at The Electric Company.
9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.
11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.
12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.
13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.
14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.
15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.
16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.
17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.
18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.
19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment. Gumawa pa ng mas baduy na kalaban na show si Boy C. de Guia entitled Starbrighters.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil matanda na siya.
21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.
22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.
23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.
24. Madalas ang party sa clubhouse ng Corinthians.
25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnight.
26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.
27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.
28. Herbert Bautista was a campus politician.
29. P15 to $1 ang palitan sa black market.
30. May black market pa noon.
31. Illegal pa ang mga paputok.
32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians.
34. Kumain sa Burger Machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
35. May sukli pa ang piso mo pag nagjeep ka.
36. May zipper sa laylayan ang baston na baston mong pantalon.
37. Bumibili tayo ng mga kwarentang pesos na plaka sa National Bookstore o Cubao pag local. Mejo mas mahal ang mga imported na New Wave sa Sam's sa may Pasay Road.
Concept and Design |