dima







Ang Trahedya ng Colorblind


Maputi
Kulay Pula
Malabo
Blurr

hindi mahagip ng mata
ang totoong nakikita
hindi tunay at mapandaya
tulad ng nangingitim na barya
maibabalik pa ba?
Muli bang tutunog
tulad pa rin ng noon?

Maputi
Kulay Pula
Malabo
Blurr

Tulad mo na mahirap intindihin
na mahirap kausapin
ang usapan
ay walang patutunguhan

laging nagtatalo
at walang nananalo
hindi na mahalaga
pero tuloy pa rin

Kailan titigilan
'pag namatay lang ba?
Kapag nasa kabaong na?

Pag ang damit na'y puti
Kapag nasa salamin na?

Madugo sa simula, kulay Pula
Hanggang sa Namutla,
maputi
Dahil lang sa malabo kang kausap
Dahil lang sa wala akong kwenta

Malabo na ang mukha mo
Di na gaanong maaninaw
Nasa salamin na kasi
Blurr.





Back to Notebook Next

MAIN | PROFILES | ALBUM | GUESTBOOK | FORUM | SLAMBOOK | LINKS | EMAIL


Copyright © 1999-2000