dima







LAWAY, kabastusan at kahalayan, BABOY


may daga sa timba
may tubig sa timba
may tubig sa timbang may daga
basa ang daga sa timba.

malaki ang daga sa timba
mataas ang tubig sa timba
mataas ang tubig sa timbang
may malaking daga
basang-basa ang malaking daga sa timba.

maliit ang timba
kasyang-kasya lang ang tubig at daga.

mataas ang tubig sa maliit na timba,
mas mataas kaysa sa malaking daga
limang oras na ang daga sa timba
kanina pa mas mataas ke'sa daga
ang tubig sa maliit na timba.

umaapaw na ang tubig sa timba
basang-basa na ang daga.

pero di pa s'ya patay
hindi nalulunod kahit di marunong lumangoy
basa lang
nasa labas ng maliit na timba and malaking daga,
basang basa.





Prev Back to Notebook Next

MAIN | PROFILES | ALBUM | GUESTBOOK | FORUM | SLAMBOOK | LINKS | EMAIL


Copyright © 1999-2000