dima







Bukas


Hinapit ang utak
piniga ang isip
pinilit ang katawan
ng sagad sa buto.

isinandal sa pader
buto-butong likod
kumaskas sa magaspang
nagkasugat-sugat.

pumatak ang luha't
dumaloy ang alaala
sa madungis na pisngi
anino ng kahapon

lumipad ang isip
pinalaya sa
himpapawid

nilimot ang ngayon
kumawala sa oras.

tinuhog ng espirito
ang kaluluwang ligaw
ng lungkot at saliw
ng melodyang senti

nilalamig na alipin
ang bangkay na ito
hulihin at sunugin
o ipaanod na lang

kailan malilibing
mga alaalang malalim
liliparin sa hangin
buntong hininga at himutok.





Prev Back to Notebook Next

MAIN | PROFILES | ALBUM | GUESTBOOK | FORUM | SLAMBOOK | LINKS | EMAIL


Copyright © 1999-2000