Ang Tunay na Pagbabago
Dondon Pangan Jr.
Uso na naman ang mga rally ngayon.
Karaniwan nang marinig mo kung saan at kailan ang susunod na pagkilos. O dili kaya'y pagsapit ng alas-sais ng gabi, parang telenobelang "Rosalinda" na inaabangan ang mga naganap na rally sa mga balita sa telebisyon.
Hindi lang jueteng! Hindi lang si Erap!
Victor V. Morillo Jr.
Nitong mga nakaraang araw ay naging kontrobersyal ang pag-e-expose ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa milyon-milyong pisong payolang natatanggap ng Pangulo ng Pilipinas bilang proteksyon sa operasyon ng jueteng. Halos linggo na rin ang inabot ng mga headlines na pumapatungkol sa isyung ito. Nandiyan din at lumabas na gusto yatang samantalahin ng Lakas-NUCD ang exposé na ito upang maisulong ang sarili nilang interes—ang pagpapatalsik kay Erap Estrada.
Kulang ba ang baon mo?
Herbert Osio Jr.
Ilang buwan na ang nakalipas nang mangako ng dagdag sa sahod ang gobyerno. Kahapon lang nagusap-usap na ang mga kinauukulan tungkol dito at inaasahang hindi matatapos ang linggong ito, lalabas na ang bagong wage order na magbibigay katuparan sa pangakong ito. Pero magtataka ka siguro o di kaya’y mainis dahil imbes na magpasalamat at nakuha pang magrali ng mga manggagawa para higit pang taasan ang dagdag. .
Dapat ka bang matuwa?
Dondon Pangan Jr.
Noong nakaraang biyernes, inanunsiyo na sa publiko ang karagdagang sahod na napagkasunduan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), sa pamamagitan ng pag-pasa ng “Wage Order No. NCR-08”. P26.50 karagdagang sahod ang nakasaad sa naturang wage order, na magiging epektibo sa ika-1 ng Nobyembre ng taong ito. .
|